Lalaki, hindi mapakasalan ang girlfriend dahil hindi kaya ang ‘Kasalang Batangas’
Paano nga ba isinasagawa ang tradisyonal na kasalang Pilipino? Ang tradisyunal na kasalang Pilipno ay nagsisimula diumano sa pamamanhikan, kung saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal. Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kailan at saan gaganapin ang kasalan at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya. Ngunit paano kung hindi magkasundo ang dalawang panig dahil sa mga ‘demands’ na hindi raw kakayanin ng isa? Isang halimbawa dito ay ang kwento ng isang netizen tungkol sa kanyang personal na karansanan kung saan hindi raw niya diumano mapakasalan ang girlfriend dahil sa ‘Kasalang Batangas’ ang hinihiling nito at ng pamilya. Ano nga ba ang ‘Kasalang Batangas’ at bakit tila mahirap ito matupad para sa iba. Sabi nila kailangan raw ihanda ang bulsa kung ikaw ay magpapakasal sa isang Batangenya. Bakit? ...

Comments
Post a Comment