Naghihimutok sa galit ang mga kaanak ng isang matandang lalaki na nasa ospital na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa karamdaman nito. Siya ay naka-confine umano sa Nueva Ecija. Nalaman ng mga kaanak na nag-utos ang kanilang punong barangay na maglikom para sa ‘abuloy’ para kay Tatay Feliciano Fausto na taga Barangay Baybayabas, Talugtug, Nueva Ecija. Labis na ikinagalit ito ng mga kaanak ni Tatay Feliciano at ipinakita pa ang video na nakakatayo pa at buhay na buhay ang kanilang ama. Ayon naman sa panayam ng GMA News kay Nely Fausto-Pangyarihan na anak ni tatay Feliciano ay nakakagalit at masak!t daw ito sa kanilang kalooban. “Nakakagalit po, masakit na masakit sa kalooban namin. Buhay pa po ang tatay namin inuutos na ng barangay captain namin na kumuha na ng abuloy,” saad ni Nely na nais magsampa ng reklamo laban sa ginawa ng kanilang barangay official.
Wala ng mas deserving pa sa nag-uumapaw na pagpapahalaga at walang kapantay na pagmamahal ng mga anak kundi ang lahat ng mga magulang, ito’y buong pusong sukli sa mahabang panahon na pagsasakripisyo nila sa pagpapalaki ng maayos sa kanilang mga anak. Sadyang wala ding mas makakapantay sa sakit at lungkot sa tuwing may mga pangyayari sa pamilya na nagawang pabayaan at pagkaitan ng kahit kaunting atensyon ang kanilang mga magulang. Nagpaluha ngayon sa puso ng mga netizens ang isang viral post tungkol sa isang ama mula Panadtaran, San Fernando Cebu, na umano’y hindi na nagawang makapasok sa kanyang sariling bahay dahil sa sigalot ng pamilya at mga anak. Ayon sa post ng DYLA Cebu Newsbreak, isang Lolo na si Mario Largo, 76-anyos ang tanging nasa labas na lamang ng gate ng kanilang bahay matapos umano itong hindi na pinapapasok ng mga anak sa sarili nitong bahay. Ayon pa sa post ng pahayagan, byudo na sa buhay si Lolo Mario at may 12-na anak, isa rito ang nakapag-abroad na umano’y nagm...
Paano nga ba isinasagawa ang tradisyonal na kasalang Pilipino? Ang tradisyunal na kasalang Pilipno ay nagsisimula diumano sa pamamanhikan, kung saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal. Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kailan at saan gaganapin ang kasalan at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya. Ngunit paano kung hindi magkasundo ang dalawang panig dahil sa mga ‘demands’ na hindi raw kakayanin ng isa? Isang halimbawa dito ay ang kwento ng isang netizen tungkol sa kanyang personal na karansanan kung saan hindi raw niya diumano mapakasalan ang girlfriend dahil sa ‘Kasalang Batangas’ ang hinihiling nito at ng pamilya. Ano nga ba ang ‘Kasalang Batangas’ at bakit tila mahirap ito matupad para sa iba. Sabi nila kailangan raw ihanda ang bulsa kung ikaw ay magpapakasal sa isang Batangenya. Bakit? ...
Comments
Post a Comment